Thanks to thess, balik-videoke (aka video-karaoke, or simply karaoke) na naman ako...
If I had known about this earlier, I probably would not have felt too lonely during my first years here in the US, nor would have I thought of pursuing a career dahil malululong na naman ako sa addiction na to.
Let's face it, tayong mga Pinoy ay natural na mahilig kumanta at sumayaw...kaya nga laking business sa Pinas ang videoke, mapa-mumurahing bar sa mga baryo or high-tech videoke places sa Ayala (I/O ata yung paborito ko nun; meron din sa MegaMall but I had not tried that).
Recently, dahil sa pagbunyag ko about me on my post "The Face Behind the Blog" sa Kusina, na nabasa ni thess, nadiscover ko tuloy ang singsnap (thanks to one of her commenters on her posted karaoke "Don't Cry Out Loud").
Napabili tuloy ako ng M-Audio USB mic, pati soundcard (x-fi XtremeGamer), pero pina-uninstall ko yung soundcard kasi nalilito yung PC ko, at walang karaoke key-changer function yung soundblaster (I bought x-fi XtremeGamer). Kuntento na rin ako sa RealTek na kasama sa MSI motherboard ng PC ko, at least merong EAX effects na Hallway, Cave, Stone Corridor, etc., at maganda naman ang sound system ko kahit papano (wag lang akong sisigaw at wag ilalakas ang volume na parang magigiba ang bahay). Akala ko kasi yung xtremeGamer merong karaoke function (misleading yung website ng creative eh). Eh mukang yung XtremeMusic lang ang meron, pero not available sa website nila at this time. Kung hahanapin mo naman sa malls, ala ring stock. Hinanap ko sa ebay, meron at reasonable price, pero pag tinatanong ko yung sellers kung alam ba nila kung meron ngang karaoke function yun (mismong sa website kasi listing the features of xtremeMusic eh hindi naka list yung karaoke function), hindi rin nila masabi...so baka masayang lang.
Anyway, for now, for this purpose, pwede na ang aking hardware at software. Pero gusto ko pa rin sanang makabili nun xtremeMusic if it has the karaoke application para maka-record ng OPM straight from MP3's that I have, then I will upload sa singsnap.
Maganda yung recorded voice sa M-Audio, pero hindi mo marinig yung boses mo sa speakers while you sing. Kung gagamit ka naman ng headphone, maririnig mo parehong output, but the software that singsnap uses cannot record the music, only your voice. Pag gumamit naman ako ng ordinary mic, masyadong malakas yung mic (kung malapit sa bibig), at parang hanging bumabagyo pag nahingahan...kaya preferred ko yung M-Audio (plus, aliw yung anak ko sa software ng M-Audio, which lets him create his music somehow (using audio loops for different instruments, ganun...mahirap -i-explain, pero kung me anak ka na nagre-request bilhan mo sya ng Mac comp dahil sa "GarageBand", ganito rin yung software na gamit dun.)
Anyway, I started this because somehow I want to compile my list of songs that I am gonna sing. Siguro once or twice a week (syempre practice muna before recording no!). Dadayain ko rin in that I will change the key para abot ko naman yung matatas na tiklada ng boses ng mga bagong artists na sumisikat (gaya ni Kelly Clarkson, Christina Aguilera, etc.)
Eto ngayon ang dagdag na therapeutic activity ko...bawas time na naman for posting in my other blogs. I now regularly visit singsnap.com, and practice, and record songs that I enjoy...mainly for fun. I have no delusions about my (in)capabilities in singing, but hey, this is free and is a very effective stress-reliever. Join ka na rin! BTW, add me as your friend (Manang pa rin ang cybername ko dyan, syempre).
I am just trying to have fun here...kung hindi mo type ang naririnig mo, wag kang makinig at wag ka rin mag-comment. Nice comments only or none at all, please.
If you have any questions that I might be able to answer (kung type mo rin gawin to for fun and hobby and recreation), feel free to email me.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Naku ako naman ine-engganyo mo ngayon! timing ka, kasi kaka post ko lang na nami-miss ko na pagkanta...
mahilasta nga muna lalamunan ko, kasi tulog na tulog na..
aba buti ka pa may Fx ang machine mo, ako wala pa rin ha ha ha!
Hiritan mo thessiebabe!!!
Post a Comment